
Huwag pansinin ang mga inihahandog na bakuna at test kit para sa bahay online. Kung nakakakita ka ng mga anunsyong nagpapahayag ng pag- iwas, paggagamot, o lunas para sa Coronavirus, tumigil. Kung mayroong malaking natuklasan sa medisina, hindi mo maririnig ang tungkol dito sa unang pagkakataon mula sa isang anunsyo o mapanghikayat na pagbebenta. Sa pagkakataong ito, wala ring inawtorisahan ng FDA na mga test kit para sa bahay para sa Coronavirus.

Huwag i-click ang mga link na mula sa mga pagmumulang hindi mo kilala. Maaari itong mag- download ng virus sa iyong computer o device. Siguraduhing nasa panahon ang anti-malware at anti-virus na software sa iyong computer.

Ibaba ang telepono pagdating sa mga ilegal na robocaller. Huwag pumindot ng anumang numero. Maaaring sabihin ng rekording na ang pagpindot sa isang numero ay magpapahintulot sa iyong makipag-usap sa isang live na operator o alisin ka sa kanilang listahan ng tatawagan, ngunit sa halip ay maaaring mauwi ito sa marami pang robocall.

Asahang pagsasamantalahan ito ng mga scammer. Narito ang kailangan mong malaman: Hindi ka aatasan ng gobyernong magbayad nang harap- harapan para makuha ang perang ito. Hindi tatawag ang gobyerno para hingin ang iyong Social Security number, account sa bangko, o numero ng credit card. Ang sinumang gumagawa nito ay isang scammer.

Magsaliksik pagdating sa mga donasyon. Gamitin ang mga organisasyong nakalista sa ftc.gov/charity upang matulungan kang manaliksik ng mga kawanggawa. Kung may isang taong humihingi ng mga donasyon sa pamamagitan ng cash, gift card, o pagpapadala ng pera, huwag itong gawin.

Bago ka magpasa ng anumang mensahe, i-tsek ang katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan sa mga pinagkakatiwalaang pinagmumulan ng impormasyon. Bisitahin ang usa.gov/coronavirus para sa mga link sa mga pederal, pang-estado at lokal na ahensya ng gobyerno.